( Isang Pagsusuring Pampanitikan sa Dulang ELBI PIE 17 : Rufo and the Ruffletes )
Sa
ikalabing-pitong pagsasadula ng isa sa mga pinaka-pinipilahang produksyon sa buong
UPLB, hindi maikakailang ang tambalang Bucoy at Rufo ay isa o kung hindi man,ay
ang pinaka-matagumpay sa larangan. Ang produksyon, na hindi lamang inaabangan
taun-taon, ay isang institusyon ng malaya at malikhaing pagsasabuhay ng
katotohanan sa likod ng bawat buhay ng mga tinaguriang “Iskolar ng Bayan” – sa
kung ano ang kani-kanilang mga karanasan at malalalim nitong kaugnayan sa
pagharap sa buhay at realidad.
Isa
sa mga di matatawarang kahalagan ng ganitong uri ng palabas ay sa kung papaano
nagiging instrumento ang teatro upang magkaroon ng kahulugan ang bawat linyang
ibinabato ng mga nagsisipagganap sa kanilang mga manunuri at sa pangkalahatang
manonood.
Karaniwan
nang mahihinuha na sa ganitong mga panoorin, ang bawat manonood ay may
kaniya-kanyang mga interpretasyon at pagpapakahulugan dito. Ang
pinaka-karaniwan sa mga ito ay ang paghahanap ng mga aral sa buhay na maaaring gawin
at isaalang-alang. Ang pagsilip o paghahabi ng mga ganitong aral ay naging tradisyon
na ng mga Pilipino at ang panonood ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang
makakuha ng mga aral sa buhay base sa pagsasabuhay ng mga actor. Kung kaya’t
karamihan sa mga palabas ngayon, tulad ng Elbi Pie, ay syang nagiging
repleksyon ng iba’t-ibang karanasang hango sa mga tunay na karanasan sa buhay.
Ang
pag-asam natin sa maginhawa at makulay na buhay, halimbawa sa buhay pag-ibig
dito sa Elbi Pie, ay ang pinaka-epektibong paraan di lamang upang marami ang
manood, kundi magkaroon ng ideya ang tao at imulat sila sa katotohanan. Dahil
dito, mas dumadami ang ating kaalaman sa buhay sa pamamagitan ng pagsisiwalat
ng mga aral sa mga palabas.
Sa
paglalapat ng moralistikong pananaw
sa bawat dula, isinasaalang-alang ang mga gawain at mga pangyayari sa buhay ng
tao bilang hugutan ng mga aral nito.
Halimbawa,
ang ating mga paniniwala at mga ginagawa upang umalpas sa mga pasakit at
problema ay dinadaan nating sa pagsamba, sa mga ritwal, sa paglalagay ng mga
kung anu-ano at iba pa na wala naman talagang basehan o kinalaman sa ating
hinaharap, ay naipakita ng husto sa dula. Upang imulat tayo sa katotohanan,
minabuting sa huli, ay sabihing tayo ang gumagawa ng ating kapalaran at hindi
ang mga bagay na ito. Sa ganitong konteksto, naipapahayag ang tunay na diwa ng
teksto- magturo, magmulat, magbigay aral sa lipunan.
Ito
ang dahilan kung bakit karaniwang tumatalakay sa katotohanan ng buhay ang mga
palabas ngayon. Upang pahalagan at pagyamanin ang mga aral na ito upang
panatilihing buo ang pamayanan. Ang mga dula, bilang mga taga-linang ng mga
asal, katotohanan, at sa kung ano ang tama o mali, kung tutuusin, ay
taga-pangalaga din ng pagiging buo at kolektibo ng isang kultura.
Datapwat,
magiging matagumpay ang isang dula kung naipahayag nito ang tunay na nilalaman ng
bawat linyang napapakinggan, humugot ang manonood ng mga aral at ilapat ito sa kani-kanilang mga
buhay.
“Sa
huli, tayong mga manonood ang syang magiging direktor at aktor ng mga dulang
ito.
Tayo
ang magde-desisyon kung gagamitin natin ang mga aral nito sa ating mga buhay.”
How to make money from your mobile phone: How to make money from
ReplyDeleteIf you want to make money from your phone 바카라 then this guide will help you get หารายได้เสริม the best benefits to make money on the 메리트 카지노 go.